Thursday, January 26, 2017

Nagbakasakali (incomplete)

siguro nga ...
siguro'y di tayo para sa isa't-isa;
kahit pilitin ko pang baguhin ang ihip ng tadhana;
o pilitin mang labanan ang nadarama.

baka nga ...
baka nga'y tama sila,
na masanay na akong mag-isa,
baka nga'y tama na;
"tama na, di ka pa napapagod umasa?"

Oo ...
kahit paulit-ulit mo akong tanungin,
hinding-hindi ko lilimutin,
ikaw lang ang gusto ko,
at hindi 'yon magbabago.

No comments:

Post a Comment